Ika’y nasilayan nakaupo sa tabi ng gusali, kasama ang iyong kaibigan na may taglay din kagwapuhan.
Sa di ko malamang dahilan ako ay natigilan.
Ngiti nya ang aking unang napansin ngunit mata mo ang bumihag.
Bumihag sa puso kong lutang ng sandaling iyon.
Wag mag alala ako’y di umiibig.
Nais ko lamang mabatid mo ang iyong ngiting abot sa iyong mata’y nakakabighani.






Leave a comment